Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na nasa 5,601 na mga pribadong paaralan sa bansa ang nagsisimula na ang klase, bago pa mag-Agosto 24, 2020.
Batay sa datos ng DepEd, sa 14,435 na mga pribadong paaralan sa bansa, 5,601 rito ay nagkumpirma sa kanila na nagsisismula na sila ng kanilang klase, sa kabila ng patuloy ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa National Capital Region (NCR), kung saan ang episentro ng bansa sa COVID-19 pandemic, nasa 2,391 na kabuuang bilang ng pribadong paraalan kung saan 1,382 rito ay nagsisimula na ang kanilang klase.
Ang NCR din ang may pinakamaraming bilang ng private schools na nagbukas na ang klase habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) naman ang pinakakonti, kung saan sa 300 na private schools, tatlo lang dito ang bukas na.
Sa ngayon, batay sa DepEd Nationwide Enrollment data, nasa mahigit 1.94 milyon na mga estudyante ang nagpa-enroll sa private schools sa buong bansa, katumbas ito ng 45.19% mula sa kabuuang bilang ng enrollees noong 2019.