Mahigit 5,000 violators, naitala sa unang araw ng ECQ sa NCR

Nakapagtala ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng 5,296 violators sa unang araw nang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ito ay batay sa ulat ni NCRPO Chief Police Major General Vincente Danao Jr.

Aniya, ang bilang ng mga violator na 1,164 ay nahuling walang suot na facemasks.


1,379 ay nahuli dahil sa hindi tamang pagsusuot ng facemasks.

Habang 1,178 naman ay hindi nagsusuot ng face shields at 536 ang nahuling hindi maayos ang pagsusuot ng face shield.

10 naman ang nahuling lumabag sa mass gathering, 486 lumabag sa social o physical distancing.

2,201 indibidwal naman ang nahuling lumabag sa curfew hours na karamihan ay mga taga-Southern Metro Manila.

Panawagan naman ni Danao sa mga taga-Metro Manila magtulungan at sumunod sa batas para mapagtagumpayan ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Facebook Comments