Umabot sa 5,310 na mga Public Utility Vehicles o PUVs ang hindi na nag-renew ng kanilang prangkisa.
Ito ay dahil sa walang tigil na pagsipa sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, pinakamaraming bilang ay ang mga Transport Network Vehicle Service o TNVS kung saan aabot sa 3, 545 ang hindi na nagparehistro ng prangkisa.
Sinundan naman ng city at provincial buses na mayroong 1,486.
Kinumpirma naman ng LTFRB na may 353 bagong unit ng jeep ang nagparehistro, pero hindi pa ito magre-reflect sa datos dahil sa mataas ng operation cost.
Sa ngayon, batay sa talaan ng LTFRB ay tinatayang nasa 26,000 provincial bus workers ang nawalan ng trabaho dahil sa patuloy na taas-presyo sa langis.
Kabilang na ang mga drivers, konduktor at ticket sellers.