Manila, Philippines – Aabot sa mahigit 54-milyong piso ang halagang nilaan ng DSWD para sa libreng gamot sa sa ilalim ng ‘masa program’ ng pamahalaan.
Ito’y bahagi ng isang bilyong pisong pondo na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mahihirap.
Sa kasalukuyan ay nasa 8,326 nang pasyente mula mga rehiyong 3,6,7,9 at NCR ang nakinabang sa naturang proyekto.
Hinimok din ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo ang publiko na samantalahin ang proyektong ito ng pamahalaan dahil may nakalaan pang mahigit sa 900-milyong piso ang nakatabing pondo.
DZXL558
Facebook Comments