Wednesday, February 4, 2026

MAHIGIT 55K KASO NG PAGLABAG SA BATAS TRAPIKO, NAITALA NG PRO 1 NOONG ENERO

Umabot sa 55,695 indibidwal ang naitalang nahuli ng Police Regional Office 1 sa pinaigting na kampanya kontra sa paglabag sa batas trapiko at lokal na ordinansa sa buong rehiyon uno noong nakaraang buwan ng Enero.

Ayon sa tala, 49,060 sa mga nahuli ang lumabag sa batas trapiko at Transportation Code, na siyang binibigyang-diin sa operasyon. Kabilang dito ang iba’t ibang uri ng paglabag gaya ng overspeeding, hindi pagsunod sa traffic signs, at ilegal na pagpaparada.

Bukod sa batas trapiko, 319 katao ang nahuli mula sa road clearing operations, 28 ang nahuli sa pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, at dalawa naman sa paglabag sa ordinansang may kaugnay sa proper dress code.

Nahuli rin ang isang 17 menor de edad dahil sa paglabag sa curfew, at 6,269 indibidwal ang nahuli sa iba pang uri ng lokal na ordinansa.

Dahil sa mga operasyon, umabot sa Php26.7 milyon ang nakolektang multa para sa buong buwan, ayon sa PRO 1.

Giit ng kapulisan na patuloy ang pagpapatupad ng batas trapiko sa rehiyon upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments