Nais nang humiwalay ng ugnayan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang 60% miyembro ng Private Association of the Philipine Incorporated (PHAPi).
Ayon kay PHAPi President Dr. Jose DE Grano, posible ito kung hindi maaayos ang ugnayan ng grupo sa PhilHealth.
Malaki kasi aniya ang epekto ng utang ng PhilHealth lalo at ilang pribadong ospital na ang nagsara dahil sa hindi nababayarang utang ng state insurer.
Kabilang na dito ang malalaking ospital sa Davao at Samar.
Matatandaang una nang nagbanta ang PHAPi at Philippine Hospital Association (PHA) na kakalas na sila sa PhilHealth dahil sa pagsususpindi sa pagbabayad ng claims.
Facebook Comments