Aabot sa 63 na mga nurse mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang nakakalat na sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila para tumulong sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan partikular na sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay BFP Chief F/Dir. Jose Embang Jr., nagmula sa NCR at Region 3 ang mga fire nurse na kanilang idineploy.
Sumailalim aniya ang mga ito sa mabusising pagsasanay para sa disaster, special emergency, roadside at COVID response kaya’t malaki ang maitutulong nito sa pagtugon para pataasin ang recovery rate ng NCR.
Nagpasalamat naman si Dr. Gloria J. Balboa, Director ng Metro Manila Center for Health Development, sa tulong na ipinagkaloob ng BFP para palakasin ang healthcare system sa NCR.
Facebook Comments