Mga Pinoy sa Israel, kabado sa pananakit ng pro-Palestine sa mga sibilyan sa Tel Aviv

498

Kabado ang mga Pilipino sa Israel sa pananakit ng supporters ng Palestine sa mga sibilyan sa Israel.

Sa exclusive interview ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Liway Tito, isang Pinay na matagal nang naninirahan sa Israel, na nababahala sila dahil sinasabayan ng riot ng mga taga-suporta ng Palestine ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Palestine.


Tinukoy ni Tito ang kaso ng isang Pinay na na-ospital matapos hampasin ng tubo ng isang Arabo habang nasa Central Bus Station sa Tel Aviv.

Aniya, mga Israeli ang target ng Palestine supporters pero nadadamay ang ibang lahi.

Paulit-ulit naman ang paalala ng Philippine Embassy sa Israel sa mga Pinoy doon na iwasan munang lumabas kung wala naman silang mahalagang pakay.

Facebook Comments