Mahigit 600 Barangay sa Isabela, Drug Cleared-PDEA

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 653 barangay mula sa 1,018 ang drug-cleared makaraang maitala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Isabela.

Anunsyo ito ng PDEA kasabay ng ginawang Provincial Development Council (PDC) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno at mga Local Government Unit.

Iprinisenta ni PDEA Provincial Director Giovanni Alan ang problema sa iligal na droga sa lalawigan kung saan marami pa ring bilang ng barangay ang may presensya ng ipinagbabawal na gamot


Iginiit nito na ipagpapatuloy ng kanilang tanggapan ang pagpapanatili sa kanilang nasimulan kontra sa kampanya laban sa iligal na droga.

Gayundin, ipaprayoridad din ang pag-aresto sa mga indibidwal na itinuturing na high value targets at ang pagsasagawa ng high impact operations.

Facebook Comments