Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, may payo sa susunod na magiging presidential spokesperson

228

Sa gitna ng mga bali-balita na sasabak sa eleksyon si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

Nagbigay ito ng tip sa susunod na magiging tagapagsalita ng Palasyo ng Malacañang.

Ayon kay Roque, kailangang magpokus ito bilang tagapagsalita ng Palasyo at huwag pagsabayin ang pagiging spokesperson ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Para sa kalihim, mas mainam na ang magiging tagapagsalita ng IATF ay galing na mismo sa Department of Health (DOH).

Kung saka-sakali, 7 buwan na lamang magsisilbi bilang presidential spokeperson ang papalit sa kanya.

Hanggang ngayon kasi ay nakabitin pa rin ang pagkandidato ni Roque dahil umaasa ito ng himala na maghahain ng kandidatura sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte hanggang Nobyembre 15.



Facebook Comments