Mahigit 600 doses ng Pfizer vaccine na gagamiting booster shot, natanggap na ng PNP

Nakuha na ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 666 doses ng Pfizer vaccine mula sa Department of Health (DOH) na kanilang gagamiting booster shot sa mga Crame based medical frontliners.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, kamakalawa dumating ang vaccine allocation para sa booster shot na ituturok sa mga health service personnel.

Aniya sa Lunes, sisimulan ng health service ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga medical frontliner.


Paghahanda rin ito sa posibleng deployment ng kanilang mga medical frontliner sa nakatakdang 3-day National Vaccination Day program ng gobyerno.

Nilinaw naman ni Vera Cruz na prayoridad na mabigyan ng booster shot ang mga medical workers na walong buwan nang nabakunahan ng second dose.

Facebook Comments