Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umaabot na sa kabuuang 675 na mga barangay sa Metro Manila ang ideneklarang “drug free” kabilang ang bagong 19 na mga barangay na nadagdag.
Sa ginanap na Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cocoon Hotel sa Quezon City, nagbigay ng certification clearing sa 19 mga barangay sa Metro Manila na ligtas sa iligal na droga.
Ayon sa NCRPO, ang 19 na mga barangay ay kinabibilangan ng nasasakupan ng Northern Police District, Manila Police District at Southern Police District.
Ang mga ito ay ang Malabon, Hulong Duhat, City of Manila
Brgy. 90, Zone 7, District I (PS 1)
Brgy. 346, Zone 35, District III (PS 3)
Brgy. 616, Zone 61, District VI (PS 8)
Brgy. 482, Zone 48, District VI (PS 4)
Brgy.510, Zone 50, District IV (PS 4)
Brgy. 518, Zone 51, District IV (PS 4)
Brgy.190, Zone 17, District II (PS 7)
Brgy. 191, Zone 17, District II (PS 7)
Brgy.187, Zone 17, District II (PS 7)
Brgy 208, Zone 19, District (PS 7)
Brgy 301, Zone 29, District III (PS 11)
Brgy 305, Zone 29, District III (PS 11)
Pasay City
Brgy.115, Zone 14, District II
Brgy. 68, Zone 9, Dist I
Brgy. 76, Zone 10, Dist I
Brgy. 83, Zone 10, Dist I
Brgy. 141, Zone 15, District II
Parañaque City, La Huerta
Pinapurihan naman ni Regional Director, NCRPO PMGen. Vicente Danao Jr., ang lahat ng kanyang mga tauhan sa mahigpit na pagpatutupad ng anti-illegal drug campaign and operation sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Nagpapasalamat din si Danao sa walang sawang pagsuporta ng lokal na pamahalaan, PDEA at iba pang unit at ahensya ng pamahalaan sa mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.