QC LGU, maglulunsad ng “Bakuna Nights”

43

Ilulunsad ng Quezon City Government ang “Bakuna Nights” na isang vaccination program para sa mga empleyadong hindi kayang makapag-leave sa trabaho o walang oras bumisita sa vaccination site sa umaga at hapon.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga empleyado na makapagpabakuna kahit sa gabi.


Bukas ang naturang program simula alas-6:00 ng gabi o pagkatapos ng working hours.

Aabot sa 2,000 pre-registered frontline personnels sa essential sectors o mga kabilang sa A4 priority group ang nakatakdang bakunahan sa Quezon City Hall grounds, bukas, June 16.

Facebook Comments