Mahigit 6,000 COVID recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,296 COVID-19 recoveries sa bansa.

3,806 naman ang bagong kaso at 140 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,485,457 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay bumaba pa sa 44,408 habang ang total recoveries ay 1,414,817.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay umaabot na sa 26,232.

Facebook Comments