Manila COVID-19 Field Hospital, nakapagtala na lamang ng 17% occupancy rate

Kinumpirma ng Manila Local Government Unit (LGU) na 17 percent na lamang ang occupancy rate sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta, Maynila.

Ito ay may kabuuang 57 COVID-19 patients na lamang mula sa 344-bed capacity.

Sa kabuuang quarantine facilities naman sa buong Maynila, 1% na lamang ang occupancy ngayon mula sa 870-bed quarantine facilities.


Patuloy naman na dinadagsa ng Manila at non-Manila residents ang libreng RT-PCR tests ng Manila City government.

Hinimok din ni Mayor Isko Moreno ang mga hindi pa nakaka-avail ng second dose ng bakuna na agad nang kumpletuhin ang Covid vaccination para sa kanilang proteksyon.

Facebook Comments