Mahigit 60,000 mga menor de edad, target mabakunahan ng Parañaque City government bago matapos ang buwan ng Nobyembre

Tiwala ang pamunuan ng Parañaque City government na mababakunahan ang 67,000 mga kabataan na may edad na 12 hanggang 17 anyos bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Parañaque City Health Officer Chief Dra. Olga Vertusio, target nilang mabakunahan ngayong araw sa SM Sucat Parañaque City ang 1,100 na mga menor de edad kung saan kasama ang kanilang mga magulang upang magpatunay na sila ay menor de edad.

Paliwanag ni Dra. Vertusio na mahalaga na mabakunahan ang mga kabataan na mabakunahan upang maging ligtas ang kanilang pamilya pagsapit ng Pasko.


Umaasa si Dra. Vertusio na makukuha nila ang kanilang target na mababakunahan ang 67,000 mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 anyos bago magtapos ang buwan ng Nobyembre upang sasalubungin ng mga kabataan ang ligtas na Kapaskuhan.

Giit pa ng pinuno ng Parañaque City Health Officer na marami naman ang mga bakuna ang dumarating kaya’t wala umanong dapat ikabahala ang mga residente ng lungsod na magpabakuna upang maiwasan na mahahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments