Mahigit 640,000 DepEd personnel, handa nang sumalang sa 2022 elections

Mahigit 640,000 tauhan ng Department of Education (DepEd) ang magsisilbing poll workers sa 2022 elections.

Ayon kay Election Task Force (ETF) Head Atty. Marcelo Bragado Jr., nasa 647,812 DepEd personnel ang magsisilbing poll workers, 319,317 bilang members of the Electoral Boards (EB) at 200,627 bilang EB support staff.

Aabot naman sa 38,989 ang magsisilbing DepEd Supervisor Official (DESO) habang nasa 87,162 ang DESO support staff at 1,717 ang DepEd personnel na magiging miyembro ng Board of Canvassers.


Mayroon din aniyang 106,439 clustered precincts mula sa 37,219 polling centers sa mga paaralan sa buong bansa.

Sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na manggagaling sa central office ang kinakailangang tulong sa mga field office at paaralan.

Patuloy rin anila ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kaligtasan ng mga miyembro ng electoral board at mga botante sa panahon ng halalan.

Facebook Comments