Mahigit 3-M na mag-aaral, nakapagparehistro na para sa School Year 2022-2023

53

Umabot na sa 3,309,923 ang bilang ng mga maagang nagparehistro na mga mag-aaral para sa Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 sa darating na School Year 2022-2023.

Batay ito sa huling datos ng Department of Education (DepEd) para sa early registration hanggang nitong Abril 29, 2022.

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region 4-A na nasa 300,401, Region 7 na nasa 299,801, at Region 5 na nasa 264,407.


Maaari namang magpa-early register hanggang ngayong araw ng Sabado, Abril 30.

Facebook Comments