Mahigit 68 milyong halaga ng droga at 42 na most wanted persons, nahuli ng PNP sa loob ng 3 araw

Sa loob ng 3 araw, nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 68 milyong halaga ng droga sa buong bansa.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mahigit 4 na milyong halaga ng shabu at mahigit 1 milyong halaga ng marijuana na binubuo ng lumalaking halaman, seedlings at pinatuyong dahon.

Bukod dito ay nakaaresto din ang ahensya ng 42 na Most Wanted Persons kung saan kabilang dito ang mga may mabibigat na kaso tulad ng rape ,murder,human trafficking at estafa.

Kaugnay nito, kasama rin sa mga nasabing naaresto ang 5 high-value individuals at 1 street level individual na sangkot naman sa droga.

Ayon kay PNP Spokesperson, PbGen. Randulf T. Tuaño, ang nasabing achievement ng kapulisan sa pagsugpo sa kriminalidad sa bansa ay dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mamamayan.

Samantala, lalo naman pinagtitibay ng PNP ang kanilang paninindigan na sugpuin ang mga wanted persons at lahat ng krimen para sa kaayusan at kapayapaan na nakasentro sa adhikaing Bagong Pilipinas.

Facebook Comments