Inihayag ni DA RFO 2 Rice Program Chief Dr. Marvin Luis, tatanggap ng P5, 000 ang mga benepisyaryo sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance Program (RCEF-RFFA) na sinimulan nito lamang lunes,Enero 24, 2022.
Partikular na makakatanggap ng tulong ang mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) mula dalawang ektarya pababa na kanilang sinasaka at tulong rin ito sa mga magsasaka matapos ipatupad ang Rice Tarrification Law (RTL).
Dagdag pa ni Luis, may dalawang paraan sa pamamahagi ng cash assistance kung saan makukuha sa partner remittance center habang sisimulan naman ang caravan sa ikatlong linggo ng pebrero na iikot sa mga bayan.
Ayon naman kay Jaylord Bagasin, Rice Asst. Focal Person, inaasahan naming maipapamahagi ang tulong pinansyal sa Marso.