Saturday, February 7, 2026

Mahigit 7 libong indibidwal, stranded sa mga pantalan—PCG

Stranded ang mahigit 7,000 na mga indibidwal sa mga pantalan sa bansa dahil sa bagyong Basyang.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), mula kaninang alas 12 ng madaling araw hanggang 4 ng umaga, nasa 7,457 na mga pasahero at drivers ng mga rolling cargo ang stranded sa mga pantalan sa bansa.

Samantala, stranded din ang 130 vessels, 6 na motorbancas at 2,558 na rolling cargoes.

Habang naka-shelter naman o nakasilong ang 254 na vessels at 47 motorbancas dahil na rin sa nasabing bagyo.

Kaugnay nito, ang nasabing mga ulat ay mula sa mga pantalan sa Northeastern Mindanao, Southwestern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Central Visayas, Southern Visayas, Western Visayas, Palawan at Southern Tagalog.

Facebook Comments