
Opisyal nang inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang recruitment quota nito para sa taong 2026.
Kung saan ito ay para sa Regular at Attrition Quota sa Police Regional Offices at National Support Units.
Nasa kabuuang 6,178 vacancies ang ginawang available sa buong bansa kung saan 1,700 slots rito ay mapupunta sa ilalim ng regular quota habang ang 4,478 slots naman ay mapupunta sa ilalim ng attrition quota.
Habang sa National Support Units naman ay may 946 na bakanteng pwesto.
Samantala pinakamalaking numero ng vacancies ang sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 783 slots, sinundan ng CALABARZON, Central Luzon, Bangsamoro at Bicol .
Tiniyak naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na bibigyan ang bawat aplikante ng pantay na pagkakataon kung saan mananatiling transparent at fair sa mangyayaring proseso.
Nagpaalala naman ang PNP sa mga aplikante na ang proseso ng recruitment ay walang bayad at i-report agad kung meron mang mga indibidwal na manghihingi ng bayad at mag-aalok ng shortcut sa appointments.










