Mahigit 7 milyong pisong donasyon ipinaabot ng Pasig City Govertment sa mga apektado ng pag- aalburutong Bulkang Taal

Umaabot na sa 7 punto 5 milyong oisong cash ang ibinigay ng Pasig City Government sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto kabuuang 12 punto 5 Milyong pisong donasyon ang kanilang ibinigay,kung saan  P7.5 Million in cash ang kanilang naipaabot  sa 15 Bayan ng Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkan kung saan mahigit P5 Million na halaga ng food and non-food items ang kanilang ibinigay sa mga apektado ng  Taal Volcano Eruption.

Kanina ay pahabang pila ng Relief goods na isinakay sa 42 mga behikulo na naglalaman ng mga Relief goods ang maagang tumulak patungo sa ibat ibang lugar sa Batangas upang ipamahagi ang ibat ibang mga ayuda.


Sabi ni Mayor Sotto hindi magsasawa na magdala ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig bilang pagpapakita ng kagandahang loob sa sinapit ng mga Batangeño na nakatira malapit sa Bulkang Taal.

Facebook Comments