Mahigit sa pitong daan na ang bilang ng mga indibwal na naaresto sa Lungsod ng Maynila dahil sa paglabag sa curfew sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Police Brigadier General Rolly Miranda, ang Hepe ng Manila Police District (MPD), mula March 17 hanggang ngayong March 24, 2020 ay aabot na sa 759 ang mga nahuli dahil sa pagsuway sa curfew.
Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Carlo Manuel, tagapagsalita ng MPD, may ibang paglabag din na ginawa ang iba mga naaresto.
Kabilang sa mga paglabag ang pag-iinuman sa kalye, mayroon ding nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng pang-itaas at ang iba ay nakatambay sa kalsada sa panahon ng curfew.
Sa first offense, pagsasabihan muna ang mga nasita at kapag umulit ay ikukulong na ang mga ito.
Iniiwasan din ng MPD na mapuno ang mga kulungan ng mga nahuhuli dahil sa curfew, lalo at may banta ng COVID-19.