Mahigit 7,000 COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 7,691 na bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa 2,486, 059 ang kabuuang gumaling sa nasabing sakit.

Nadagdagan ng 10,670 ang mga bagong kaso kaya umabot na sa 2,643,494 ang kauubang COVID-19 case sa bansa.


Nasa 118, 203 naman ang bilang ng aktibong kaso.

Habang 191 ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 39,232 ang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments