Mahigit 7,000 katao dumagsa sa Pahalik ng Itim na Nazareno

Manila, Philippines – Pumapalo na sa mahigit pitong libong mga deboto ng Poong Nazareno ang patuloy na dumadagsa sa Luneta Grandstand upang makahalik sa Itim na Nazareno.

Ayon kay MPD District Director Senior Superintendent Vicente Danao Jr., eksakto alas 6 ng umaga nang umusad ang pila ng mga deboto upang mahawakan at mahalikan ang paa ng Poong Nazareno.

Ilang mga may sakit at kapansanan naman ang pumila at nagpalipas na ng magdamag sa Luneta sa kagustohang makahalik sa Itim na Poong Nazareno.


Pagtapos ng banal na misa ni fr. Douglas Badong ay saka naman pinapila ang mga personnel ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang bigyang pagkakataon na makahalik din sa mahal na Poong Nazareno kasama na rito ang mga miyembro ng media.

Paliwanag ni Danao naging maayos naman ang pila ng Pahalik at inaalalayan din ng mga hijos ang mga may sakit o kapansanan at mga matatanda na ang ilan ay nakasaklay pa at naka wheelchair.

Facebook Comments