Mahigit 7,000 nasuring COVID-19 samples, mayroong foreign variants

Halos kalahati ng mga nasuring COVID-19 samples ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) mula sa Metro Manila ay foreign variants.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel (VEP), kabuuang 7,167 samples nationwide ang nasuri ng PGC sa pagitan ng Enero 4 hanggang Mayo 2.

Gayunman, hindi naman aniya nangangahulugan na dahilan ito ng community transmission.


Paliwanag ni Solante, mahabang pag-aralan pa ang kailangang gugulin bago masabing dominant na sa bansa ang mga bagong strain ng virus.

Dahil dito, pinalakas pa ng Department of Health (DOH), UP-PGC at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ang kanilang biosurveillance activities sa mga bagong variant ng COVID-19.

Facebook Comments