Mahigit 7,000 ng iba’t ibang kaso ng mga Filipino sa Eastern Province sa Saudi Arabia, natugunan na ng DFA

Ibinida ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit 7,000 na iba’t ibang kaso na kinasangkutan ng mga Filipino sa Central at Eastern Province sa Saudi Arabia ang kanila nang natugunan o nalutas sa naturang bansa.

Ayon sa DFA, ang foreign policy ng bansa ay mayroong tatlong haligi, isa na rito ay proteksyon ng mga karapatan at pagsusulong ng kapakanan at interes ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Paliwanag ng DFA, bilang pagtupad sa mandato na ito, ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia ay tumulong na malutas ang 7,392 kaso ng mga Filipino mula Enero hanggang Setyembre 2021.


Nagtulungan ang Philippine Overseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 13 case officer at limang regular interpreter ng Assistance to National (ATN) section ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na malutas ang mga kaso na kinaharap ng Overseas Filipinos.

Kabilang sa mga kaso na kinasangkutan ng mga Filipino sa Riyadh ay ang 774 kasong kriminal, 2,775 Labor related, 2,352 ATN Repatriation, blood money, immigration issues, shipment of remains, Trafficking in Person, immigration issues at iba pang kasong ligal.

Dagdag pa ng DFA, hindi man umano perpekto, hindi naman tumitigil ang gobyerno sa pagtulong sa ating mga kababayan sa ibang bansa na nangangailang ng tulong.

Facebook Comments