2 domestic flight ng PAL, kinansela

Maliban sa dalawang flights ng Cebgo Airlines na una nang kinansela dahil sa sama ng panahon.

Inanunsyo naman ngayon ng Philippine Airlines na dalawa nilang domestic flights ang kanselado rin na may Flight 2P 2196/2197 mula Manila-Laoag-Manila.

Ang nasabing kanselasyon ay dahil na rin sa sama ng panahon sa lalawigan ng Mindoro, epekto dulot ng Bagyong Maring.


Muling pinayuhan ng PAL ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang airlines para sa kanilang panibagong flight schedule bago magtungo ng paliparan.

Facebook Comments