Mahigit 7,000 OFWs, natulungang makauwi ng gobyerno mula Enero ng taong kasalukuyan

Nakauwi sa Pilipinas sa tulong ng gobyerno ang mahigit 7,000 na mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa Laging Handa public briefing.

Ayon sa opisyal, karamihan sa mga na-repatriate ay galing sa Saudi Arabia at Kuwait.


Dahil naman sa political crisis, napilitang umuwi sa Pilipinas ang 300 mga Pilipino mula sa Sri Lanka.

Nilinaw naman ni De Vega na hindi lahat nang natulungang makauwi sa Pilipinas ay dahil sa emergency situation sa halip ang iba ay tumakas sa amo at nawalan ng trabaho kaya kailangang tulungan ng embahada na magkaroon ng exit permit.

Sinabi ni De Vega, mayroong Assistance to National fund na pondo ng DFA para panggastos sa mga bayarin ng mga repatriated OFW.

Facebook Comments