Nag-deploy na ang Philippine National Police (PNP) ng 7,337 na mga police officer sa 2,745 na mga vaccination centers sa Metro Manila.
Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao, maging ang pinangangambahang super spreader events sa mga vaccination site sa Metro Manila.
Batay sa ulat ni PNP Deputy Chief for Operations at Commander of Joint Task Force Covid Shield Commande Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson kay PNP Chief General Guillermo Eleazar na bukod mahigit pitong libong police officers na itinalaga sa mga vaccination center.
Mayroon pang halos 5,000 pulis ang nagmamando sa 2,535 na quarantine areas.
Sa labas naman ng National Capital Region (NCR) plus bubble, iniulat ng PNP na nag-deploy sila ng mahigit 9,000 police personnel sa mahigit isang libong quarantine control points.
Humihiling naman ng kooperasyon si PNP Chief sa lahat na patuloy na makiisa sa mga ipinatutupad na health safety protocols para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.