Inihayag ng Cebu Pacific na umabot na sa 76,935,820 COVID-19 vaccine ang kanilang nailipad para ihatid sa mga lalawigan sa buong bansa.
Ayon sa CebuPac mula noong Marso 2021, ang airlines ay naghatid ng mga bakuna sa 31 mga lalawigan tulad ng Bacolod, Basilan, Boracay, Bohol, Butuan, Cagayan de Oro, Cauayan, Cebu, Coron, Cotabato, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Jolo , Kalibo, Legazpi, Masbate, Naga, Ozamiz, Pagadian, Puerto Princesa,Roxas, San Jose, Siargao, Tacloban, Tuguegarao, Tawi-Tawi, Virac, at Zamboanga.
Sa mga lalawigan, ang Legazpi ang tumanggap ng pinakamataas na bilang ng mga padala ng bakuna na sinundan ng Cagayan de Oro, Tacloban at Zamboanga.
Ayon kay Alex Reyes, chief strategy officer ng Cebu Pacific patuloy aniyang nakasuporta ang naturang air carrier sa pamahalaan sa paglaban nito sa COVID-19 sa pamamagitan ng ligtas at napapanahong paghahatid ng mga bakuna sa domestic network.
Nakamit ng CEB ang 100% rate ng pagbabakuna para sa aktibong flying crew nito sa pamamagitan ng sarili nitong programa sa vaccination ng mga empleyado at JG Summit COVID Protect at iba’t ibang pakikipagtulungan sa mga Local Government Unit sa bansa.