Umabot na sa mahigit pitong libong indibidwal ang inilikas mula sa kanilang bahay sa CALABARZON dahil sa pagaalburuto ng bulkang Taal.
Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa ulat ng ahensya, kabuuang 7,742 indibdiwal o katumbas ng 966 families ang inilikas sa kanilang mga bahay na ngayon ay nasa 38 evacuation centers.
Pinakamaraming inilikas ay sa mga bayan ng San Nicolas, Talisay, Tanuan City, Mataas na Kahoy, Balete, Lipa City at Laurel sa lalawigan ng Batangas na umabot sa 6,346 indibidwal.
Sa Tagaytay City Cavite naman umabot sa 1,396 na indindiwal ang inilikas at ngayon ay nasa 18 evacuation centers.
Nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC operation center sa mga kaganapan sa Batangas na ngayon ay nasa red alert status na.