Mahigit 7M COVID-19 vaccine, naiturok na sa bansa

Umabot na sa 7,045,380 ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa mula Marso 1 hanggang Hunyo 14.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nakumpleto na ng 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities, at 7,067 essential workers ang dalawang dose ng bakuna.

Habang 5,141,596 naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.


Sa kasalukuyan, mayroong 3,944 vaccination sites sa bansa.

Naipamahagi na rin sa mga vaccination site ang 10,374,850 COVID-19 vaccine dose mula sa 12,705,870 supply.

Lumagpas na rin ng isang milyon kada linggo ang nababakunahang Filipino sa dalawang magkasunod na linggo.

Facebook Comments