Mga lalabag sa 2022 local at national elections, babantayan ng IBP

68

Lumagda na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) para bantayan at hanapin ang mga lalabag sa 2022 local at national elections.

Kasama nitong lumagda ang election watchdog na Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa pangunguna ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Christian Monsod.

Ayon kay IBP National President Burt Estrada, katuwang nila sa gawain ang regional chapters at legal aid offices para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga election law violators.


Habang tutulong rin dito ang mga law students, civil society organizations, at general public.

Gaganapin ang 2022 election sa May 9, 2022.

Facebook Comments