Mahigit 80 indibidwal, nakatanggap ng booster shots sa symbolic vaccination ng “Resbakuna sa mga Botika” sa Southstar Drug, Marikina branch

Alas-3:00 ng hapon nang mag-cut-off na ang “Resbakuna sa mga Botika” sa Southstar Drug Brgy. Concepcion, Marikina City.

Bago nagsara ito, nasa higit 80 na ang bilang ng mga nabakunahan.

AstraZeneca at Sinovac ang bakunang itinurok ngayong araw para sa 150 pre-registered vaccinees at 50 iba pa na magwo-walk-in.


Sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na malaki ang tulong ng pagboboluntaryong ito ng Southstar Drug dahil mas inilapit nito sa publiko ang access sa bakuna.

Kakausapin na rin ng Marikina Local Government Unit (LGU) ang iba pang pharmacy at commercial establishment ng lungsod upang maging kabalikat rin ng kanilang programa sa pagpapataas ng bilang ng mga nabakunahan na laban sa COVID-19.

Si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ay isa sa mga nanguna sa kick-off ceremony ng ceremonial vaccination dito.

Facebook Comments