Cauayan City, Isabela- Inaasahang mailababas ang resulta ng swab test mula sa Department of Health (DOH) region 2 ng nasa kabuuang 86 katao na nakasalamuha ng kauna-unahang nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.
Ayon kay Gov. Marilou Cayco, nagsasagawa na rin ang probinsya ng hakbang para masigurong hindi na lumala pa ang sitwasyon at maiwasan ang local transmission ngayong may unang kaso na ng virus sa kanilang lugar.
Ipinag-utos na rin ng gobernador ang limitadong mga empleyado sa lahat ng mga tanggapan sa bawat bayan ng probinsya maging sa kapitolyo para makaiwas sa posibleng pagkalat ng virus.
Hiniling din ni Cayco sa publiko na iwasan ang diskriminasyon lalo na sa mga taong nakapasailalim sa quarantine procedure o yung mga suspected cases ng nasabing virus.
Samanatala, isinailalim na sa dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) ang probinsya kung saan ipinapatupad ang mahigpit na panuntunan na tatagal hanggang October 13.