Naniniwala ang pamunuan ng Mandaluyong City Government na marami pa ang gumagaling sa mga nahahawaan ng Coronavirus Desease o COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos umaabot na sa 82 na nag-positibo ng COVID-19 ang gumaling na kumpara sa mga nasawi na umabot lamang sa 36 ang nasawi habang 418 ang kumpirmado ng Covid-19 at 673 naman ang Suspected cases at isa ang Probable case kung saan 57 dito ang galing sa Barangay Addition Hills.
Paliwanag naman ni Carlito Cernal, Kapitan ng Barangay Addition Hills, sa panahon ng lockdown sa darating na Huwebes ay magsasagawa sila ng Random Rapid Testing sa 3,000 residente sa pamamahala ng City Epidemiology and Surveillance Unit.
Pinawi naman nila ang pangamba ng mga residente na magugutom sila dahil hahatiran ng Mandaluyong City Government ang mga ito ng food packs.