Korte Suprema, muling magdaraos ng special en banc session sa Biyernes

Magdaraos ng special session ang Supreme Court En Banc sa darating na Biyernes, May 8, 2020.

Sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty Brian Keith Hosaka na magiging agenda ng pulong ang pagreretiro ni Justice Andres Reyes Jr.

Ito anya ay gagawin sa pamamagitan ng videoconferencing at magiging isang pribadong seremonya na lalahukan lamang ng mga mahistrado.


Batay sa official website ng Supreme Court, magdiriwang ng kanyang ika-70 kaarawan si Justice Reyes sa May 11.

Facebook Comments