Cauayan City, Isabela-Umabot sa 24% o katumbas ng 63 Overseas Filipino Workers habang 57 % o 151 na Locally Stranded Individuals ang mga naitatalang nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Lambak ng Cagayan.
Ayon kay DOH-CHD Regional Director Dr. Rio Magpantay, tinatayang nasa mahigit 80% ang kabuuang naitatala sa mga Returning OFWs at LSIs.
Batay sa pinahuling datos ng DOH Region 2, nasa 76.6% ang mga Asymptomatic patient habang 22.1% ang Mild;1.0% ang Severe at 0.3% ang critical.
Ayon pa sa report, 56% o katumbas ng 167 na mga kalalakihan ang mga nagpopositibo sa virus habang nasa edad 1-75 ang mga apektado ng sakit at edad 21-30 ang higit na pinakaapektado ng pagkalat ng virus.
Bukod dito, pinakamataas pa rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na nagmumula pa sa National Capital Region (NCR) o 48.5%.
Kinumpirma naman ni Dr. Magpantay na may local transmission ng COVID-19 sa Cagayan Valley.
Umapela rin ito sa publiko na huwag balewalain ang implementasyon ng ahensya tungkol sa BIDA Solusyon campaign.