Mahigit 80 pamilya, lumikas dahil sa panggugulo ng NPA sa isang lugar sa Agusan Del Norte

Manila, Philippines – 89 na pamilya o 357 indibidwal ang napilitang lumikas sa Brgy. Hinimbangan, Kitcharao, Agusan Del Norte sa pinakahuling pag-atake ng NPA sa mga sibilyan at tropa ng militar kahapon.

 

Sa ulat ni 2nd Lt. Ashley Mae Del Rosario Civil military officer ng 29th Infantry Battalion, nagsasagawa ng bayanihan team activities sa baranggay ang kanilang mga tropa nang bigla nalamang silang paputukan ng mga rebelde.

 

Tatlong beses umanong umatake ang mga rebelde kung saan pinuwersa ng NPA ang lokal na paaralan na kanselahin ang klase at pinaputukan ang mga bahay ng mga sibilyan.

 

Dahil sa pangamba sa kanilang buhay, 89 na pamilya ang napilitang lumikas sa Municipal gymnasium ng katabing Brgy. Crossing, Kitcharao, Agusan Del Norte.

 

Ayon naman Kay LTC. Glenn Joy U. Aynera, Battalion Commander ng 29th Infantry Battalion, muli nanamang nilabag ng NPA.

 

Comprehensive Agreement on Respect to Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na siyang Tanging dokumentong nilagdaan ng GRP at ng NDF sa isinasagawang peace talks.

 

Ayon sa opisyal, ang mga tropa ng militar ay nasa komunidad upang tulungan ang mga residente sa ibat-ibang socio-civic at economic projects na bahagi ng Oplan Bayanihan nang maglunsad ng terrorist attack ang NPA.

 

Tiniyak naman ng opisyal na pagtutulungan ng AFP at PNP na maibalik ang peace and order sa nasabing barangay.

Facebook Comments