Mahigit 800 libong doses ng COVID-19 vaccine na donasyon ng France, dumating na sa bansa kagabi

43

Dumating na sa bansa pasado alas-8:00 kagabi ang 811,980 doses ng COVID-19 vaccine na Pfizer.

Ito ay donasyon ng bansang France sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ayon kay French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz, mayroon pang darating na karagdagang bakuna sa Miyerkules.


Sa kabuuan, halos anim na milyon ang bilang ng donasyon na bakuna na Pfizer at AstraZeneca.

Umaasa si Boccoz na ang mga donasyong COVID-19 vaccines ay makatutulong sa pagbangon ng bansa mula sa paghahupit ng Bagyong Odette.

Facebook Comments