Mahigit 800 mga pasyente sa COVID-19, gumaling sa Cainta Rizal

19

Patuloy na gumagaling ang mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19 sa Cainta Rizal.


Sa Facebook page ni Cainta Rizal Mayor Keith Nieto umakyat na sa 866 ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang gumaling, 33 mga admitted, 145 naman ang naka-home quarantine, 178 ang active cases, pumalo na sa 1,082 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 38 ang nasawi.

Hinikayat ng Cainta Rizal Government ang mga residente na palagiang maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at face shields upang hindi na dapuan ng nakamamatay na sakit.

Paalala ng Local Government Unit sa mga residente ng Cainta Rizal na kinakailangan mahigpit na ipatutupad ang social distancing, magsuot ng face mask at face shields sa kanilang lugar upang matiyak na hindi mahahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments