Mahigit 800 na colorum na sasakyan, nahuli ng I-ACT sa 2018

Manila, Philippines – Umabot na sa 846 na mga colorum na mga sasakyan ang nahuli ng Inter Agency Council for Traffic o I-ACT sa taong 2018.

Mula sa bilang, pinakamaraming nahuli ay mga colorum na van na nasa 426.

Nakahuli din ng I-ACT ng 36 colorum buses, 14 mini buses, 54 public utility jeepneys o PUJs, 101 na mga taxi, 16 multi-cabs, 152 na mga motorsiklo, 46 tricycles at isang SUV.


Umaasa naman ang I-ACT na ang naturang bilang ay bababa na ngayong taong 2019.

Ang I-ACT ay pinagsanib na pwersa ng mga ahensyang DOTr, PNP-HPG, LTO, LTFRB at MMDA.

Facebook Comments