Mahigit 800 na pasyenteng tinamaan ng COVID-19, gumaling na sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City

Umakyat na sa 830 na mga pasyenteng nakarekober o gumaling na sa COVID-19, 54 ang nasawi at 153 ang aktibong kaso kung saan pumalo na sa 1,037 na ang kumpirmadong kaso sa Barangay Pinagbuhatan batay sa inilabas na ulat ng Pasig Public Information Office.

Bagama’t tumataas ang kumpirmadong kaso, dumarami naman ang nakakarekober sa COVID-19 na umabot na sa 830.

Ayon sa Public Information Office ng Pasig, naitala naman ang Barangay Manggahan na may ikalawang pinakamaraming kumpirmadong kaso na may bilang na 729, habang ang nakarekober ay umabot sa 634, 17 naman ang nasawi at 78 na lamang ang aktibong kaso.


Nasa ikatlo naman ang Barangay Rosario na may 675 kumpirmadong kaso, 599 ang nakarekober na, 19 ang nasawi at 57 ang aktibong mga kaso.

Paliwanag ng Pasig City Government, upang mabawasan ang mga tinatamaan ng COVID-19, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang isang bagong sistema upang mapabuti ang contact tracing at paigtingin na rin ang serbisyong medikal para sa mga residente sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Facebook Comments