Mahigit 8,000 naitalang bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 8,470 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,669,953 ang kabuuang gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Nasa 4,393 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,765,672 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 1.9% o 53,642 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

135 naman ang pumanaw kaya ang umabot na sa 43,077 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments