Mahigit 8,000 kabataan na may comorbidity, nabakunahan na laban sa COVID-19

Umabot na sa 8,639 kabataang edad 12 hanggang 17 na may comorbidities ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Kasabay ito ng pag-abot na sa pangalawang bugso ng pagbabakuna sa mga kabataan sa na ginaganap sa 21 ospital sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat sa mga menor-de-edad ang nakaranas ng reaksyon sa bakuna.


Isa sa mga kaso ay may kaugnayan sa anxiety pero hindi naman lumala dahil agad na nakatugon sa pasyente ang mga vaccinator.

Habang ang tatlong iba pa ay nagkaroon ng allergies.

Sa ngayon, target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70% ng populasyon ng bansa pagsapit ng Disyembre.

Facebook Comments