Mahigit 82% ng nasirang power lines na dulot ng Bagyong Ulysses, naibalik na sa normal na operasyon ayon sa NEA

Naibalik na ang power supply sa malaking bahagi o 82 .03% sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ulysses.

Base sa ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department (NEA-DRRMD), nakatutok na lamang sila sa 10 areas para sa pagkumpuni.

Nasa 21 apektadong electric cooperative (ECs) ang 100% nang naibalik ang serbisyo ng elektrisidad sa Northern at Central Luzon kabilang sa Bicol Region.


May 15 iba pang ECs sa bahagi ng Central Luzon at South Luzon ang nasa 90 hanggang 99% nang naibalik ang suplay ng kuryente sa kanilang franchise areas.

Nasa 70 hanggang 89% na ring naibalik ng power coops na Quezelco 2, Casureco 1, Casureco 2 at Casureco 4 ang power services sa kanilang franchise areas.

Samantala, nasa 53.86% pa lang ang nakumpletong restoration works ng Casureco 4 sa Camarines Sur, 53.62% sa Aleco at Apec sa Albay at 18.35% sa Ficelco sa Catanduanes.

Sabi pa ng NEA-DRRMD, pumalo na sa P158.489-M ang halaga ng pinsala sa mga distribution lines dulot ng huling bagyo.

Facebook Comments