Umabot na sa mahigit 88 milyong Pinoy ang nakapagrehistro na sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa Philippine Identification System (PHILSYS) ID o national ID.
Ayon kay PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta, malapit nang makamit ang 92 milyong target na rehistro para sa National ID ngayong taon.
Aniya, naipamahagi na ng PSA ang 51.5 milyong physical cards habang ang 3 milyon ay kasalukuyang naipamamahagi.
Dagdag pa ni Sollesta, naipalabas na ang 25 milyong EPHILIDS o ang digital version ng National ID na maaaring maiprint sa registration centers.
Facebook Comments