MAHIGIT 8K PLAKA NG SASAKYAN, NAIPAHAGI NA SA ILOCOS REGION

Umabot na sa 8,779 plaka ng sasakyan ang naipamahagi na sa puspusang Plate Distribution Caravan sa buong Ilocos Region.
Katuwang ang mga lokal na pamahalaan, pinaiigting pa ang distribusyon sa iba’t-ibang lugar upang maresolba ang backlog sa plaka at matiyak na matatanggap na ng mga motorista ang kanilang plaka sa tamang oras.
Matatandaan na mas pinalawig pa ang distribution caravan maging ang operasyon ng mga opisina ng LTO upang wala nang backlog sa plaka bago ang simula ng implementasyon ng “No Plate, No Travel” policy sa buong bansa.
Patuloy naman ang koordinasyon ng mga tanggapan sa pamamahagi alinsunod sa hangarin na maging ligtas ang pagbyahe at responsableng pagmamaneho sa mga kakalsadahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments